Abante Tonite Interactive

Mataray na information officer

By
995

Madalas nating naririnig sa ilang nakakausap nating Public Information Officer (PIO) o mga tagapagsalita ng ilang ahensya na ang buhay ng kanilang trabaho ay nasa mamamahayag.

Sa kabilang dako, malaki rin ang tulong ng mga PIO o mga spokesperson upang mapabilis ang trabaho ng mga kagawad ng media.

Ito ang dahilan kaya madalas maganda ang relasyon ng mga information officer at mga kagawad ng media.

Pero para sa taga­pagsalita ng isang ahensyang laging abala sa mga trabaho, ang kanyang nasa isip ay mas kailangan siya ng mga mamamaha­yag, kaysa kailangan niya ang media.

Kaya naman pala nang minsan itong tawagan ng isang mediaman para sana sa paghingi ng assistance sa naging problema nito sa ahensyang hawak nito ay parang irritable ang information officer.

Bagama’t napakalambing pa raw ng pagkakasabi ng mamamahayag sa kanyang hinihinging pabor ay ang sagot naman ng opisyal ay punong puno ng sarcasm.

Hindi lamang ito, nang minsan ding tanungin ng isa pang kagawad ng media ang kanyang presensya sa isang trabaho na wala namang kinalaman sa kanyang tungkulin bilang spokesperson ay nagtaray na ito sa kanyang comment sa social media.

Bukod sa media ay minsan na rin nitong tinarayan sa social media ang dati ring mga opisyal ng ahensyang kanyang pinag­lilingkuran ngayon.

Makihula na po sa ating bida na minsan ding naging viral sa kanyang kapalpakan. Ang kanyang pangalan ay may letrang P as in Passed Away, Passed Out o Phased out.