Abante Tonite Interactive

Matatalino crush ng bayan kesa mga sexy, macho — SWS

352

Marami umano sa mga Pinoy ang attracted sa mga matatalino kaysa sa mga sexy at macho, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumitaw sa isinagawang survey noong Disyembre 13-16 na 81 porsiyento ng mga Filipino adult ang mas hanga sa may ‘utak’ kaysa may magagandang katawan, habang 19 porsiyento ang may baligtad na paniniwala. Nasa 83 percent naman ng mga babae ang nahuhumaling sa mga ‘brainy’ kaysa sa mga ‘macho’ na lalaki na mas mataas sa 78 percent sa hanay ng mga kalalakihan.

Marami umano sa mas tumi­tingin sa ‘utak’ kaysa katawan ay mga babaeng may mga live-in partner (89 percent) kasunod ang mga single (82 percent) at may mga asawa (81 percent).

“It hardly varies among men by civil status, ranging from 77 percent to 79 percent,” sabi pa ng SWS.

Nasa 54 porsiyento ng mga Pinoy na nasa tamang edad ang ‘very happy’ sa kanilang love life; 32 percent ang naniniwala na ‘it could be happier’ habang 14 percent ang walang love life.

Lumitaw pa sa SWS poll na 60 porsiyento ng mga lalaki ang ‘very happy’ sa buhay-pag-ibig na mas mataas sa 49 percent ng mga kababaihan.

“Married men and married women also have a happier love life compared to their single and with live-in partner counterparts,” sabi pa sa survey.
Mas marami umanong may asawang mga lalaki ang ‘very happy’ sa kanilang love life (72 percent) kasunod ng may mga live-in partner (64 percent) at single men (26 percent) na halos katulad din sa hanay ng mga babae.

Nang papiliin kung ano ang mas mahalaga: pera, health o love, 70 porsiyento ng mga respondent ang pinili ang health, 23 percent ang love at 7 percent ang pera.

Mas maraming babae (72 percent) ang mas gustong maging healthy kaysa in-love at mayaman habang malaking porsiyento din ng mga lalaki ang mas pinili ang health kaysa pera at love.

Mga single na lalaki (8 percent) at 14 percent sa mga babae, ang nagsabi na mas importante sa kanila ang pera kaysa love at health.
Nasa 1,200 adult respondent ang tinanong sa SWS poll. (PNA)