Abante Tonite Interactive

Matatambok na ‘wetpaks’ trip tampalin ni volleybelle

By
812

Kakaiba ang nakakahiligan ni volleyball player – ang manampal ng matambok na puwet.

Masasabing likas na makulit at masayahin kasama itong si volleyball player kaya hindi pansinin na sa kanilang pagbibiruan at paghaharutan ng mga kasamahang manlalaro ay hilig nitong pananampal ng ‘behind’ ng mga kakampi.

Hindi mapagkakamalang ‘Tiburcio’ ang volleyball player dahil madalas din itong mag-ayos at magpaganda pati na rin lantad ang pagkakagusto nito sa mga lalaki na matikas ang tindig, macho at guwapito.

Sadya lamang na nakasanayan ni volleybelle na tampalin kapag nakukursunadahan nito ang mga nakausli at labas ang matambok na wetpaks ng kapwa player.

Paborito din ni volleybelle na pisilin at alu­gin ang nakukursunadahan nitong wetpaks lalo na kapag nakasuot na fitting ang kanyang makukursunadahan.

May letrang ‘S’ sa kanyang buong pangalan.