Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matibay ebidensya vs `Pastillas’ gang

0 247

Ni Nancy Carvajal

Napatunayan umano ng Office of the Ombudsman na mayroong sapat na basehan para sampahan ng kaso ang 86 kawani ng Bureau of Immigration (BI), kabilang ang 10 ranking official.

Inutos din ng tanggapan ni Ombudsman Samuel Martires ang agarang pagsuspinde sa kanila dahil sa umano’y pagkakasangkot sa sindikato ng `pastillas’ scam, base sa mga opisyal na dokumento.

Subalit hindi kasama sa inutos na suspensyon si Marc Red Marinas, dating senior official ng BI na umano’y siyang utak ng `Pastillas’ group’ dahil sa hindi na ito konektado sa ahensya.

“There is sufficient ground to preventively suspend all of the respondents considering that there is a strong evidence showing their guilt,” base sa 17 pahinang kautusan na nilagdaan ni Ombudsman Martires.

Anim na buwang suspensyon at walang suweldo ang pinataw ni Martires sa mga naturang BI officer.

Sa nasabi ring kautusan ay binanggit na ang naunang suspensiyon ng Ombudsman laban sa 44 BI officer na nasangkot din sa `pastillas’ scam ay sapat.

Sinabi pa ng Ombudsman na ang mga `administrative infraction’ ng mga ausado ay pawang suportado hindi lamang ng mga testimonya kundi ng mga opisyal na rekord at dokumento.

Modus umano ng `Pastillas’ gang sa BI na pabilisin ang serbisyo kapalit ng kabayaran, partikular sa mga Chinese national na pinapayagang makapasok sa bansa na hindi na dumadaan pa sa regular na immigration process pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Leave A Reply

Your email address will not be published.