Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matibay na Pananalig sa gitna ng persekusyon!

0 132

Hindi lamang kilala ang Vietnam dahil sa kontrobersiyal na giyera na nangyari roon nitong ika-20 Siglo na kumitil sa libu-libong buhay kundi sa matibay na pananalig ng mga Kristiyanong Vietnamese sa gitna ng pag-uusig.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ang pista ni San Andres Dung-Lac at mga kasama na katutubo ng bansa. Isa si Andres sa mga 117 martir na namatay sa Vietnam sa pagitan ng taong 1820 at 1862. Pari siya ng Diyosesis ng Orange na pinigutan ng ulo noong Disyembre 21, 1839.

Pumasok ang Kristiyanismo sa Vietnam sa pamamagitan ng mga Portuges. Mga paring Heswita ang mga unang misyonero sa Da Nang noong 1615. Naglingkod sila sa mga Katolikong Hapon na lumipat sa Vietnam.

Dahil sa pag-usbong ng Kristiyanismo, ipinagbawal ng hari ang pagpasok ng mga dayuhang misyonero at iniutos nitong tumalikod sa pananampalataya ang mga Katolikong Vietnamese sa pamamagitan ng pagtapak sa krus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa loob ng anim na dekada, 300 libong mga Katoliko ang napatay at pinahirapan nang husto. Maraming dayuhang mistoneryo ang naging martir. Nagpatuloy ang persekusyon noong Siglo XIX lalo’t higit nang maging Katoliko ang Anak ng hari.

Ang mga huling naging martir ay labimpitong layko, isa sa kanila ang siyam na taong gulang na bata. Taong 1862 nang magkaroon ng kasunduan ang Pransiya na nagbigay ng kalayaan sa mga Katoliko. Gayunman, hindi nito napatigil ang mga pang-aapi sa mga Kristiyano.

Noong Hunyo 19, 1988, idineklara ni San Juan Pablo II bilang mga Santo ng Simbahan ang 117 na namatay na martir sa Vietnam dahil sa pananampalaya. Nawa katulad nila, sikapin rin nating hanapin at ingatan ang mga nauukol sa Diyos bago ang lahat.

San Andres Dung-Lac at Mga Kasama, Ipanalangin niyo kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.