Abante Tonite Interactive

Matimbang ang pamilya, LeBron sa Lakers na?

By
1,975

Saan nga kaya magla­laro si LeBron James sa susunod na season? “I still want to be in championship mode,” giit ni James pagkatapos mawalis ang kanyang Cleveland Cavaliers sa NBA Finals ng Golden State Warriors. “I think I’ve shown this year why I will still continue to be in championship mode.”

Isa sa pinakamala­king impluwensiya sa desisyon ni James ang kanyang pamilya.

“Understanding especially where my boys are at this point in their age,” aniya. “They were a lot younger the last time I made a decision like this four years ago. I’ve got a teenage boy, a pre-teen and a little girl that wasn’t around as well.”

Si Dwyane Wade, pareho ng pananaw sa kaibigan na una muna ang pamilya.

“To me, I don’t think it’s a basketball thing. Obviously, you saw this year he can get to the Finals no matter what the circumstances are,” pahayag ni Wade kina Chris Mannix at Caron Butler sa Fox Radio. “I think at this point in his life, it’s more so of a lifestyle thing of where my family is going to be the most comfortable and where I’m going to be the most happiest at. Because basketball wise, he’s so great that he can bring along and take along whoever.”

May punto na sa Los Angeles Lakers mapadpad si LeBron, dahil may bahay siya roon na tinitirhan tuwing offseason. Puwede rin siyang manatili sa Cleveland.
Pero kahit idagdag si Paul George sa La­kers core, mahihirapan din sila sa West dahil sa Golden State at Houston.

Walang ibang pupuntahan ang Boston kundi maging tigasin sa susunod na season, pero mukhang malabo na magsama muli sina LeBron at Kyrie Irving. May Philadelphia pang nakaabang, panghatak sina Joel Embiid at Ben Simmons.

Ilang tulog na lang, pasasabugin na naman ni LeBron ang kanyang Decision 2.