Abante Tonite Interactive

Matindi ang crush kay Julia, Kris napatunayang lalaki si Bimby

By
3,323

Maraming na­ging basher sa social media si Kris Aquino at sa pamba-bash sa kanya, hin­d­i nakaligtas ang anak niyang si Bimby na madamay sa inis at galit ng ilang netizen sa kanya.

May mga unsavory comment nga noon kung saan pati ang kanyang bunso ay tinawag umanong ‘bakla’, ‘malambot’ o ‘lalampa-lampa’.

Gayunpaman, maaalalang, ipinagtanggol ng Queen of All Medi­a ang anak niya sa cager na si James Yap.

“Whatever life choices Bimb shall make, they are his. I only pray that he shall remain kind-hearted, compassionate, responsible, studious­, hardworking, articulate, determined and respectful,” hirit ni Kris nang makatsikahan sa pelikulang ‘I Love You, Hater’ ng Star Cinema.

Ngayong nagtapat na sa kanya ang nagbibinatang si Bimb na attracted siya at love niya si Julia Barretto, napatunayan ni Kris na lalaki ang kanyang anak.

“My two sons love Julia and Erich, especially Bimb, na balak agawin si Julia kay Joshua. Oo, sinasabi niya na eleven so in ten years, Ate Julia will only be, ‘oh it’s ok ten years from now you’ll be 31’ and then he will be 21. Pwede daw iyon, mahahabol pa raw niya,” pahayag niya.

Pero, nagpaalala raw siya kay Bimb dahil mataas ang standards nito.

Dagdag pa riyan, rumored na boyfriend na ni Julia si Joshua.

“Sabi ko, she’s perfect, paulit-ulit iyon,” ani Kris. “But please don’t feel that all girls will look that way. Sabi ko, your expectations will be too high, she’s an actress that’s why. She’s really beautiful, but not all girls will be that beautiful. So, sabi ko, be realistic,” paliwanag niya.”

Proud din siya na mas matibay ang dibdib ng anak pagdating sa mga basher.

“And I am proud that he has much thicker skin than me in dealin­g with bashers, trolls, and negativity. So come what may I know I have raised not a follower, not just a survivor, but a self-assured leader,” p­agtatapos niya.