Abante Tonite Interactive

MATINDI ANG SEPANX!

By
19

SA bagong bukas na bar ni San Juan Vice Mayor Janella Ejercito Estrada na The Den Bar and Grill (sa M. Paterno St.) naganap ang unang gimik night ng bagong laya na si Senador Jinggoy Estrada nu’ng Sabado nang gabi.

Sey ni Vice Mayor Jel, ‘yun ang first night out ng tatay niya after 3 years and 3 months na makulong ito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Bale naging welcome party na rin ‘yon for Sen. Jinggoy dahil nagsama-sama roon ang mga Councilor ng San Juan at iba pang mga kaibigan nila ni Vice Jel.

Ang sweet ni Jinggoy at ng pamilya niya dahil kahapon ay dinalaw nila sa Crame ang best friend niyang si Senador Bong Revilla na naiwan pa sa loob.

Hawak ni Jinggoy ang kanyang ‘visitor ID’ sa nakita na­ming group picture ng pamilya Revilla at Estrada.

Mahigit tatlong taon na nagsama sa lugar na ‘yon ang magkumpare kaya matindi ang sepanx ng dalawa ngayong pinayagan na ng korte na magpiyansa at makalaya ang isa.

Hopeful si Sen. Bong at ang kanyang pamilya na soon ay lalabas na rin siya kagaya ng kanyang bestie.

Sa September 25 ay 51st birthday na ni Bong, na sana ay sa labas na niya ipagdiwang, hindi na sa loob ng piitan kasama ng mga mortal na kaaway ni Jinggoy na ipis at daga!

Welcome back to the outside world, Sen. Jinggoy!

And see you soon, Sen. Bong!!