Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matino, respetadong pamumuno ibabalik – Lacson

0 103

Inihayag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-pangulo na nais niyang ibalik ang matino at respetadong pamumuno para sa sambayanang Pilipino.

Kahapon naghain ng COC si Lacson at ang kanyang tandem sa pagka-bise president na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

Ayon kay Lacson, panahon na upang manumbalik ang dignidad at respeto sa sarilim ng bawat Pilipino sa loob at labas ng bansa.

“Kapag ang namumuno ay matino at nirerespeto, panalo ang pangkaraniwang Pilipino,” sabi ni Lacson.

SM food to go Banner Ad

Sakaling palarin aniya ang Lacson-Sotto tandem sa 2022 election, tiniyak nilang paiiralin ang disiplinadong burukrasya, kabilang na ang maayos na paggastos ng pambansang budget upang makarating ang biyaya at kaunlaran sa mga liblib na lugar ng bansa.

“Marapat lamang na mauna ang kapakanan ng higit na nakararaming Pilipino,” ani Lacson.

Binigyang-diin pa nito ang personal niyang kredo sa mahabang panahon ng panunungkulan sa pamahalaan.

“Ang tama ay ipaglalaban, ang mali ay lalabanan,” dagdag ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.