Abante Tonite Interactive

Matira ang matibay: Nationals vs Dodgers

0 160

Winner-take-all Game 5 ang Washington Nationals at Los Angeles Dodgers mamaya sa National League (NL) Division Series.

Si Stephen Strasburg ang starter ng dadayong Washington, unang tatapak sa mound si Walker Buehler para sa LA sa finale ng best-of-five series.

“Better to be at home than on the road in Game 5,” ani Dodgers first baseman Cody Bellinger.

Sa regular season, 59-22 sa home games ang Dodgers, sa mga larong ‘yun ay humakot ng higit 3 million fan.

“We play great at home. Walker loves being at home, our guys hit well at home,” litanya ni LA manager Dave Roberts.

Susubukan ng Dodgers na sumampa sa NL Championship Series sa pang-apat na sunod na taon. ‘Di pa nananalo ng playoff series ang Nats sapul nang lumipat ang prangkisa sa Washington mula Montreal noong 2005.

Maganda ang outing sa series ng dalawang starters.

Isang hit lang ang binigay ni Buehler nang pumukol sa six scoreless innings sa Game 1. Naka-strike out ng 10 si Strasburg at nalusutan ng isang run lang sa six innings din nitong Game 2. (VE)