Abante Tonite Interactive

Maton gumuho ang mundo sa anak na sirena

955

Hello po. Please call me Rowena of Talisay, Batangas.

Maloka-loka talaga ko dito sa kapitbahay kong maton, sobrang laki ng galit sa mga beki.

Actually, kababata ko po itong si Warren. Noong high school pa lang kami ay super naiinis ako sa lalaking ‘yun kasi napakayabang niya.

Feeling guwapo kahit average lang naman ang looks niya at hindi naman talaga ganu’n kaganda ang katawan.

Siguro magaling lang siyang magdala, matangos ang ilong at may angas factor kaya medyo napapa-head turn sa kanya ang girls at gays.

Yes, including gays kasi dito sa amin obvious ang presence ng gays.

Kaso, itong si Warren ay parang isinusumpa ang mga bading, at least for that period.

Naaalibadbaran yata siya sa mga actuation at gay lingos na usong-usong sa amin. Matagal na rin ‘yun, mga 8 years ago pa. Ngayon kasi mga tapos na kami ng college. At mula nang nag-Maynila ako for my college then nakapagtrabaho ay matagal din akong nawala sa circulation dito sa amin sa province.

Ngayong nagbalik ako sa Baliuag para nga dito na mag-stay at mag-work, I was kind of surprised about the turn of events particularly with the case of Warren.

Grabe, ‘di ako makapaniwala na nagkaroon na pala siya ng sarili niyang pamilya but the twist of the story is nagkaroon pala siya ng anak na bading! Oh my gosh! Malaki na rin ang anak niya, ga-graduate na yata ng elementary this school year.

Ang buhay nga naman. Hindi ko pa masyadong naoobserbahan si Warren how he behaves with his girlish son.
That’s all for my email.
Rowena