Abante Tonite Interactive

Matteo ander kay Sarah

3,438

NI: Archie Liao

Nakatanggap ng kantiyaw si Matteo Guidicelli kaugnay sa naging reaksyon niya sa tweet ng isang Popster.

Inihalintulad kasi ang Ashmatt sa tambalan nina Captain Ri at Seri ng pamosong Korean Netflix series na Crash Landing on You .Inihanay ang dalawa kina Hyun Bin at Son Ye-Jin.

Viral naman ang naging sagot ni Matteo sa paghahambing sa misis niya sa Korean actress na “I choose Sarah G! ”

Bagamat maraming kinilig, hindi rin nakaligtas sa pangangantiyaw ang actor.

Sey ng netizen, playing safe raw si Matteo dahil ayaw nitong ma-outside de kulambo sa Popstar Royalty.

May humirit ding “under de Sarah” ang Fil-Italian actor kaya ang singer -actress ang pinili nito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad