Abante Tonite Interactive

Matteo atras sa FACE-OFF sa bodyguard

1,101

Ni: Athena Yap

Hindi pa rin matahimik-tahimik ang isyu sa kasalan nina Matteo ­Guidicelli at Sarah Geronimo. Mas lalo nga itong umingay nang magsumbong ang bodyguard ni Sarah na sinuntok daw siya ni Matteo kay Raffy Tulfo.

Kaya naman sinubukan ni Raffy na kunin ang panig ng lahat ng sangkot sa isyu na ito. Una nilang tinawagan ang head ng Viva Entertainment na si Boss Vic del Rosario na agad din namang sumagot. Lumalabas na si Boss Vic ang pumagitna sa lahat ng pangyayari sa araw na ‘yun.

Para naman kay Jerry, puwede pa namang makuha sa maayos na usapan ang nais ­niyang magdemanda kung hihingi si Matteo ng dispensa sa kanya at aaminin ang pananapak dito.

“Kasi lumalabas sir na ako ‘yung sinungaling e, pero ­ipaglalaban ko talaga na ­sinaktan niya ako,” sabi pa ni Jerry.

Kinausap nga ni Tulfo si Boss Vic at sinubukan pakiusapan ito kung maaring siya ang mamagitan sa dalawang kampo (body guard at Matteo).

Willing naman si Boss Vic na tulungan sila sa isyu na ito at makipagharapan sa lahat dahil nababahala siya para kay Sarah na labis naapektuhan.

Agad ipinarating ni Tulfo ang naging pag-uusap nilang ­dalawa ni Boss Vic sa bodyguard. Puma­yag naman daw si Jerry na makipagharapan at makipag-­ayos kay Matteo sa ­pamamagitan ni Boss Vic, pero hinahanapan pa raw ngayon ng schedule ang paghaharap nina Matteo at ­Jerry upang maging maayos ang kanilang paghaharapan.

Hanggang ngayon, wala pa rin update kung kailan nga ba maghaharap ang tatlo.