Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo ayaw kontrahin si Sarah

0 119

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam kay Matteo Guidicelli, natanong ba siya kung naiisip ba niyang maging miyembro ng “bullied husbands club” na itinayo ng Argentinian husband ni Solenn Heussaff.

Ang mga miyembro ng nasabing club ay mahilig mag-yes sa kanilang wifezillas na mga wifey .Sa simula ay cool pero pag tumagal ay lumalabas ang pagiging domineering.

Pabiro namang sinabi ng actor na palagi lamang siyang sumasang-ayon sa gusto ng asawang si Sarah Geronimo.

“Our wives are always correct,” aniya. “Ang masasabi ko lang, sila they call themselves bullied pero ako naman, I respect that…And I just say yes all the time,” pahabol ng aktor.

Pagbabahagi pa niya, maging sa mga shows na pinapanood nila sa bahay ay madalas na ang Popstar Royalty ang nasusunod.

Depensa naman niya, maganda raw naman ang taste ng misis kaya pareho nila nai-enjoy ang kanilang mga gustong panoorin ng mga sikat na mang-aawit.

Kabilang sa mga pinapanood nila ay mga dokumentaryo at shows ng mga sikat ding mang-aawit tulad nina Sam Smith at Dua Lipa.

SM food to go Banner Ad

“Siyempre, she’s always the boss,” pabirong sagot nito nang tanungin kung sino ang palaging may hawak ng remote control.

Kung may hindi man daw sila napagkakasunduan, they make it a point na bago sila matulog ay napag-usapan na nila ito at napagkasunduan.

“We have to fix it before we go to bed kasi pangit e ‘pag may galit. Before we sleep, we try to fix it. Kung ‘di maayos, e ‘di when we wake up, bagong araw na ‘yan so smiling na,” paliwanag niya.

Pagbibida pa ni Matteo, sobrang masaya raw ang pagsasama nila ni Sarah.

Sa ngayon, abala ang dalawa sa pag-aalaga rin ng kanilang mga alagang aso. Umaasa rin ang aktor na balang araw ay madadagdagan na ng bata ang kanilang tahanan.

“It’s beautiful. Everything is a gift and everyday is a blessing with my wife,” saad ni Guidicelli.

“It would be a blessing just to have one (child). In the right time, it will happen,”pagtatapos niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.