Abante Tonite Interactive

Matteo bawal itanong kay Sarah

0 426

DIVA CHRONICLES
Alwin Ignacio

Natuwa naman kami sa resolve ni Sarah Geronimo na huwag sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang kasintahang si Matteo Guidicelli sa isang press payanig para sa isang singing contest prog­ram.

Nagpaumanhin ang dala­ga na sumagot sa kahit na anong tanong sa kanyang husband to be na marami ang nabaliw sa chikang may “goose bumps” moment daw ito matapos makaharap ang ginoo sa Palasyo.
May chance kaya na ang paninindig balahibo ni Guidicelli ay dahil na shookt siya sa kakaibang skin tone of the ginoo’s face? Iba kasi ang pagka-dark nito, hindi ba naman? Eh parang sanay ang binata na laging maaliwalas ang mga mukha ng mga taong nakakasa­lamuha niya.
Nakakapagtaka nga talaga bakit nga grabe ang darkening of his facial skin? Hindi ba uso sa household niya ang sunblock? Kalurks ha!
Ang mas kainaman si­guro, tinanong ay ang saloobin ni Sa­rah sa katotohanang hindi kasama si Sharon Cuneta bilang judge dahil nga sa huling palabas, kasali siya.
Ano ito, salingkit lang si Megastar sa nasabing programa at hindi ba impressed ang nasabing talent search franchise sa kanyang pagiging hurado kaya balik sila sa original judges?
Matagal na walang pang-telebisyong programa si Ate Shawie, hindi ba naman? Huwag naman nilang sabihing pinaparusahan nila ito dahil super lightweight sa takilya ang “Three Words to Forever” at ang much hyped “Kuwaresma,” how true na it did not reach the desired box office figures?
So, mananalig na ba ang lahat ng mga Sharonian na maaaring “frozen delight” status si former Madam Chairman sa Mother Ignacia station? O baka naman may nakaambang mas bonggang-bonggang proyekto para sa Megastar?
Ang isang pangmalakasang tanong, mapa­ngatawanan nga kaya ni Sarah Geronimo ang kanyang no Matteo Guidicelli questions policy? Matuwa kaya ang mga kapatiran at katoto sa kanyang dramang ganito o matinding bashing at hating ang kanyang matatanggap kasi nga ang dating eh nag-iinarte ito?
***
Lea sinabon ang mga dalahira
Tuwang-tuwa kami matapos mabasa ang panayam kay Lea Salonga kasi supalpal ang mga dalahira.
Pahiya sila noong ipinahayag nito na bagong variant ang kanyang ipinakilala sa merkado, wala siyang pinalitan dahil ang produktong kanyang ini-endorso ay karagdagan sa mga line of product ng washing detergent brand.
Kaya mga baklang kanal, huwag na ipilit na may intriga rito. Kaun­ting preno naman sa mga imahinasyon niyong mas­yadong maligalig.
At aminin, hindi niyo naman brand ang nasabing detergent dahil medyo pricey siya noh! Ano kayo, tunay na middle class? Pigilan niyo ako o kaya para mas may impact, “Stop me,” stop in the name of love na ito. Ang magpapatuloy sa kuwentong ito, may chance na bumula ang bu­nganga, huh!(Alwin Ignacio)