Abante Tonite Interactive

Matteo Guidicelli dinumog sa Malacañang pero mailap

817

Dinumog at pinagkaguluhan ang kontrobersyal na kabiyak ni singer-actress Sarah Geronimo-Guidicelli na si Matteo matapos dumalo sa change of command ceremony ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang Park, Manila.

Si Guidicelli ay reserve officer ng Philippine Army na may ranggong 2nd lieutenant.

Pagdating sa PSG compound ay pinagkaguluhan agad ang aktor at isa-isa ay humiling ng selfie na pinaunlakan naman nito.

Hindi rin pinalagpas ng PSG ang pagkaka­taon at maging sila ay nagpakuha ng larawan kasama si Guidicelli.

Gayunman, tinanggihan ng aktor ang kahilingan ng media na makapanayam at mahingan ito ng komento kaugnay sa reklamo ng bodyguard ng kanyang misis na si Jerry Tamara na umano’y sinaktan nito sa mismong araw ng kanilang kasal noong Pebrero 20, 2020.

Mailap ang aktor sa media at hindi ito napilit na ma-interview ng media. (Aileen Taliping)