Abante Tonite Interactive

Matteo happy na katabi paggising si Sarah

0 1,067

NI: ROLDAN CASTRO

Tinanong si Matteo Guidicelli sa kanyang virtual presscon kung ano ang mga nadiskubre niya kay Sarah Geronimo.

Tatlong buwan na silang nagsasama bilang mag-asawa at inabot pa ng quarantine.

“Marami. I think every single day is a blessing. Every single day, I am so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now, it’s still a dream,” deklara niya.

Marami raw silang natutunan bilang mag-asawa at magagandang moments. Sabay sila nagluluto, naglalaro sa kanilang mga aso, nag-uusap ng mga simpleng bagay.

Sa ngayon wala pa silang planong magka-baby.

Tonite – Wendys Inhouse Ad