Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo inokray na ginaya si Hidilyn

0 53

NI: VINIA VIVAR

Napabilib ni Matteo Guidicelli ang mga netizen nang mag-post siya ng video. Makikitang nakaya niyang buhatin ang 130kg weights with his coach’s assistance. At hindi lang isang beses niya ito inangat kungdi paulit-ulit.

“Training with Coach Arnold has always been “hard working” sessions. That’s why we do the ice baths for better recovery. Even if I disagree with him, I just do what he says in the end of the day. Just shut up and work mindset! Today we unlocked a PR on squats. 130kg,” caption ni Matteo.

Isa nga sa mga nagulat ay si Karen Davila na nagkomento ng “ My gosh Matteo!!! 🙈 pls take care!”

“Grabeee👏👏👏 this is so scary to watch but you did well,” sabi naman ng isang netizen.

Ang iba naman ay nag-worry na baka delikado ito for Matteo dahil sobrang bigat nga ng weights.

Pero may isang basher na nagkomento na copycat clown daw si Mateo ng ating Olympic Gold medalist na si Hidilyn Diaz.

“Who are these jokers, wannabe Hidilyns, Hidilyn is LEGIT, trained, sacrificed years to where she is now ,,,,and here comes the copycat clowns, fast track na naman?, c’mon. Wala na bang magawa itong mga toh?” komento ng basher.

Good thing, hindi naman napikon si Matteo at natawa pa siya sa komento.

“These clowns are too funny..” sagot ni Matteo na niliagyan pa ng face with tears of joy emoji.

May mga nagpayo rin kay Matteo na huwag masyadong pilitin ang sarili at isaalang-alang daw ang asawang si Sarah Geronimo.

“Please don’t push too hard,please take care of your back.Think about Sarah @matteog,” payo ng netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.