Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo may paandar kay Sarah

0 71

Sa pagdiriwang ng Valentine’s Day kahapon ay nag-post si Matteo Guidicelli ng video habang nagluluto siya ng paboritong pasta recipe ng misis na si Sarah Geronimo.

“I cooked one of her favorite pasta recipes — seafood linguine with salmon & asparagus,” caption ni Matteo sa video.

Pero mukhang hindi ito ang post na inaabangan ng mga AshMatt fans kungdi ang sweet Valentine message ni Matteo para kay Sarah.

“Nagulat ako ha!!! akala ko Valentine’s post na!!” reaksyon ng isang fan.

Komento naman ng isa pang tagahanga, “appetizer ng Valentine post ni Mister kay Misis. Willing to wait kami Matt. Love you both!”

Tanong naman ng isa pang netizen, “san na po valentine’s post nyo 4 SGG?”

Mukhang nage-expect ng bonggang pasabog ang mga AshMatt fans mula kay Matteo para sa misis nito since first Valentine’s Day nila ito as a married couple.

As we write ay abangers pa rin ang mga fan sa Valentine greetings or kung anumang surprise ni Matt kay Sarah. Pero knowing kung gaano ka-private si Popstar, for sure ay hindi niya ipo-post kung may gift man o pasabog ang mister sa kanya.

Barbie, Jak nag-date sa truck

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahit pandemic, nakaisip pa rin ng gimik si Jak Roberto para sa girlfriend na si Barbie Forteza sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kahapon.

At dahil nga hindi pa safe lumabas, sa kanyang pick-up truck na lang sila nag-date ni Barbie.

Ipinost ng Kapuso couple ang mga larawan ng kanilang date sa likod ng pick-up truck na si Jak mismo ang nag-set-up.

Makikita sa larawan ang masarap na dinner na hinanda ni Jak at may balloons pa. May bouquet of roses ding hawak si Barbie na of course ay bigay ng aktor.

“Valentine Suprise! Quarantine Edition: Achieved!” caption ni Jak.

Touched na touched naman si Barbie sa effort ng boyfriend at feeling daw niya ay nililigawan pa rin siya nito.

“He still managed to surprise me on this special day. Haaayy nako @jakroberto 🥰 Tatlong taon na tayo pero feeling ko nililigawan mo parin ako. I love you so much ❤️ Happy Valentine’s Day everyone!

“p.s. That’s right. He set up a cozy lounge area on the back of his pick up truck,” ang caption ni Barbie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.