Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo, Mommy Divine di pa bati

0 218

Iniintriga ng mga mosang at marites ang viral na video ni Sarah Geronimo na nai-post sa kanyang Instagram account.

Pansin kasi ang pagiging emosyonal ng Popstar Royalty sa pag-awit sa mga huling linya ng kantang “Sana Ngayong Pasko. ”

Dahil dito, binigyan ng kulay ng ilang netizens ang pagse-senti ng singer-actress.

Anila, feel nila ay hindi pa rin bati ang hubby niyang si Matteo Guidicelli at ang ina nitong

si Mommy Divine.

Ito ay sa kabila na in-acknowledge ni Sarah ang kanyang ina sa kanilang concert noon. Minsan ding inerdorso ni Matteo ang negosyo ng kanyang biyenan.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“di pa ba sila ok ni mommy divine?”

“Mukhang di pa. Wala namang sightings sila magkasama ng nanay niya. Mag 2 years na. Kasi before pandemic pa un kasal niya. Sino kaya matibay sa kanila? Siya o nanay niya o both. Ang tatag eh 2 years and counting”

“Sana magkaayos na sila.”

“Parang naifeature dito na may iprinomote syang business ni Mommy Divine pero wala naman tayo nabalitaang response ni mommy about dun”

“Ngayong may pandemic, sana magkaayos na sila. Sa dami ng nalalagas dahil sa covid, kailangan maayos kayong magpapamilya, you’ll never know kung kelan ang huli nyong pagsasama.”

“Parang may konting regrets….:”

“you reap what you sow, ika nga”

“Agree, she may be wearing smiles pero may lungkot.”

“mommy divine 🙁 miss ka na ng anak mo. sana ngayong pasko maging OK na kayo”

“She should live with it, pinili nya ang asawa nya eh”

“Yes, relate na lang ang iyak sa family issues niya. Nothing wrong with it.”

“MAS matibay si mommy Divine alam kasi ni mommy MALAMBOT si Sarah”

“Parang torture…killing me softly”

Vice kinastigo ang ermat

Viral ang video kung saan makikitang kumakanta si Mommy Rosario habang magana siyang kumakain.

Pero sa voice-over ay maririnig na kinakastigo siya ng kanyang totoy na si Vice Ganda.

Hirit ni Vice sa ina, bawal daw ang magsalita habang kumakain.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang bonding ng It’s Showtime host sa kanyang ermat sa panahon ng Kapaskuhan.

Touched din sila sa pag-aasikaso ni Vice sa kanyang mahal na ina.

Sa naturang video, kita rin ang masayang pakikipagharutan ni Vice sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak.

Nagpa-good vibes din ito sa paglalaro ng parlor games.

Leave A Reply

Your email address will not be published.