Abante Tonite Interactive

Matteo naaksidente sa training

567

Naaksidente ang aktor na si Matteo Guidicelli na isang reservist ng Philippine Army. Nitong Biyernes, February 7 nangyari ang insidente habang nasa training session.

Sa Instagram ay ibinahagi niya na magpapahinga na muna siya sa tinamong slipped disc. Matindi sigurong training ang pinagdaanan niya bilang 2nd Lieutenant ng Philippine Army reservist.

Nagpost din siya sa Instagram at sinabing halos tatlong araw na rin siyang bed rest. Mas mabuti na rin ito para hindi tumindi ang nararamdaman at umabot pa sa opera. Ang ilang celebrities gaya niNA Polo Ravales at Angel Locsin ay naoperahan na dahil dito.

Ang slipped disc ay kadalasan nangyayari kapag pinipilipit ang katawan o kapag may binubuhat na bagay. (Rona Ronda)