Abante Tonite Interactive

Matteo nag-ober da bakod sa viva

Bumuntot kay Sarah

By
255

Umalis na si Matteo Guidicelli sa pa­ngangalaga ng Star Magic at lumipat na sa Viva Artists Agency (VAA) na siyang management din ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Inanunsyo ito ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN last Feb. 3 sa kanyang Twitter account.
“Matteo Guidicelli leaves Star Magic, joins Viva Management. Wishing you al the best, @mateoguidicelli, alam mo naman from day 1 mahal kita,” ang tweet ni Eric John.

Nag-post din sa Instagram ang handler ni Matteo na si Cris Tapang ng pamamaalam sa aktor.

“Just here @mateoguidicelli as always will surely miss you hehe your calls na laging “kamusta” ang simula at tatawag lang randomly just to check if okay ka….i’ll be around lang,” ang post ng kanyang handler.”
Sa comment section, siyempre ang komento ng lahat sinundan niya ang girlfriend na si Sarah G.

May nagkomento rin na good decision naman daw ang ginawa ni Matteo dahil sa rami raw ng Star Magic talents, eh hindi na raw nabibigyan ng pansin ang iba.

May nagkomento rin na okay lang naman daw na lumipat ng management si Matteo as long as sa ABS-CBN pa rin ang network niya just like Sarah.

May nalungkot din naman of course dahil nasanay na raw sila na Star Magic family si Matteo.

Dahil Viva family na ang aktor, malaki na rin ang posibilidad na makatrabaho niya sa pelikula si Sarah although noon pa naman nila sinasabi na ayaw nilang magkasama sa proyekto.

Sa comments section ay nag-comment din si Angelica Panga­niban at aniya, “Love you bro! Mamimiss ka namin!”
Ang ibang netizen naman ay nag-wish ng good luck sa kanya sa bago niyang management.