Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo nag-throwback sa pagsagip ni Ping sa mag-utol na kinidnap

0 90

NI: ROLDAN CASTRO

Pang- pelikula rin pala ang kuwento ng magkapatid na bata na kinidnap noong 1994, at nasagip sa tulong ni Senador Ping Lacson, na pinuno noon ng anti-kidnapping task-force.

Habang ikinukuwento ni Kathryn Bellosillo sa Mattruns podcast ni Matteo Guidicelli, ang nangyari sa dalawa niyang anak, isang pamangkin, yaya at driver, para kang nakikinig ng story line ng isang action-drama-suspense movie.

Actually, konektado sa mental health ang usapan dahil tinalakay din doon ang after effect ng kidnapping sa isa sa mga anak ni Kathryn, at sa kaniya mismo dahil sa trauma.

Nang makidnap na nga raw ang kaniyang mga anak, humingi raw si Kathryn ng tulong sa kaibigan niyang pari na si Fr. Sonny Ramirez, para ipagdasal ang kaniyang mga dyunakis at mga kasama nito.

Related Posts

Si Fr. Ramirez ang naghikayat umano kay Kathryn na lumapit kay Ping. Noong una, siyempre ayaw ng ina dahil bilin ng mga kidnaper na huwag magsusumbong sa mga pulis.

Pero hindi naman siya nagkamali ng pasya dahil after nine days, [kasama na dasal] ligtas na nasagip ng grupo ni Ping ang mga anak ni Kathryn at mga kasama nila. At nahuli ang dalawa sa mga kidnaper na kasalukuyang nakakulong.

Well, hindi natin alam kung naisama na sa mga pelikulang ginawa sa buhay ni Lacson ang pagsagip niya sa mga batang iyon, na ngayon ay malalaki na at nakapag-asawa na.

At malamang, kung manalong presidente si Ping sa 2022 elections, hindi lang sangkot sa droga ang manginginig sa takot kundi pati ang mga kidnaper.

Leave A Reply

Your email address will not be published.