Abante Tonite Interactive

Matteo namudmod ng panty

1,073

Kapuri-puri ang ginagawang pagtulong ni Matteo Guidicelli sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Isa si Matteo sa pinakaunang tumulong at masigasig na umapela sa publiko para mangalap ng donasyon para sa Lipa.

Personal na namigay ng relief goods si Matty sa evacuation center sa Sto. Tomas, Batangas kasama ang mga sundalo ng Philippine Army at sakay sila ng military truck.

Katuwang ni Matteo ang Landers sa ginawa niyang pagtulong at patuloy ding tumatanggap ng donasyon ang nasabing membership supermarket para mas marami pang matulungan.

Bukod kay Matt ay gusto ring bigyan ng credit ng Landers ang celebrity endorsers o influencers nila na sina Anne Curtis, Erwan Heussaff at Nico Bolzico.

May pinost si Matt sa IG Stories niya na ‘The Great Panty Drive’ o underwear donations. Hindi lang ito panties kundi pati bras, briefs at diapers, na kailangan din naman talaga ng Taal victims.

Nagpasalamat ang fiancé ni Sarah Geronimo sa isang garment supplier na nag-donate ng almost 2,000 pieces ng children’s undergarments.

Isang magandang halimbawa ito na nagamit ng isang celebrity ang kanyang endorsement para makatulong sa panahon ng matinding pangangailangan.

Ang bongga rin ng Landers dahil katuwang talaga nila ang Philippine Army sa pag-sort at pag-distribute ng lahat ng donasyon sa affected areas. May sked sila ng pickups sa stores ng Landers kaya tuloy lang daw ang pagdo-donate.

Good job, Matty!

Angel milyon ang gastos sa mga bakwit

Si Angel Locsin at ang grupo niya ay nagre-repack ng relief goods hanggang pasado 5:00 AM kahapon.

Kasama ni Angel ang fiancé niyang si Neil Arce at mga kaibigang sina Bubbles Paraiso at Cholo Barretto.

Nanawagan sila sa mga gustong mag-repack na nandu’n sa may BGC area.

Sako-sakong bigas ‘yung nakita naming ibinababa mula sa malaking truck, so obviously ay malaki na naman ang nagastos dito ni Angel.

Galante talaga ang Kapamilya actress pagdating sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan. Kaya hindi press release ‘yung milyones ang nagagastos niya sa personal relief efforts na ginagawa niya sa tuwing may sakuna.

May mga nagrereak tuloy na bakit parang panay celebrities ang tumutulong at tila daig pa ng mga ito ang mga taga-gobyerno?

Buti na lang may mga katulad ni Angel na talagang maaasahan sa mga ganitong pagkakataon. PAK!!

Si Derek Ramsay ay personal ding naghatid ng tulong sa Lipa, Batangas.

May bahay pala sina Derek sa Tagaytay at nabalot din ito ng makapal na abo na ibinuga ng Taal.