Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo nautal kay Sarah

0 153

NI: VINIA VIVAR

Sobrang nakakakilig at nakaka-good vibes ang kumakalat na video ngayon ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ito ay ang behind the scenes ng shoot ng latest commercial ng couple.

Sa BTS video na ibinahagi sa Instagram story ng creative director ng commercial na si David Milan makikitang laging nagkakakamali si Matteo sa nakakakilig na linyang “I’m glad I got to celebrate each day with you.”

Ang kaso, sa tuwing sasabihin ito ni Matteo ay lagi siyang natatawa hanggang sa umabot na sila ng take 5 sa video.

Tawanan nang tawanan ang mag-asawa sa tuwing magkakamali si Matteo sa kanyang linya at talaga namang kahit sino ang makapanood ay mapapangiti rin.

Mukhang nai-starstruck pa rin si Matteo sa kanyang asawa kaya nagkakandautal-utal siya, hahaha!

Ipinost din ni Matteo ang mga polaroid photos nila ni Sarah sa nasabing shoot at inalalaang malapit na ang birthday ng misis.

“It’s almost your biiiiirthdaaaaay! #iloveyou,” ang caption ni Matt. Sarah is celebrating her 33rd birthday tomorrow, July 25.

Leave A Reply

Your email address will not be published.