Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo nawirduhan kay Xian

0 188

NI: Archie Liao

Sa tsikahan nina Matteo Guidicelli at Richard Yap sa podcast nitong Mattruns, nagbalik-tanaw sila sa unang pagkakataong nagkatrabaho sila sa Kapamilya teleseryeng Binondo Girl.

Ayon kay Matteo, dahil bagong salta raw noon sa showbiz si Papa Chen (Richard), siya ang naging confidante ng actor.

Pareho raw kasi silang Bisaya kaya mas palagay ang loob nila sa isa’t-isa.

Dahil wala raw manager noon si Richard, siya raw ang kinokonsulta ng tsinitong aktor pagdating sa presyuhan o TF sa mall shows.

Pagbabahagi pa niya, noon daw nag-shoot sila sa Hongkong ng ilang eksena sa nasabing teleserye, inusisa raw sa kanya ni Richard ang tungkol kay Xian dahil ito ang magiging roommate ng aktor.

Kasama raw kasi niya sa kanyang hotel ang kanyang mom noon kaya malabo silang magsama sa isang kuwarto.

Pinakalma naman daw niya si Richard sa pagsasabing okey kasama si Xian.

Noon daw, medyo nawerduhan lang sila kay Xian dahil mahilig itong kumuha ng videos na ipino-post nito sa social media.

Iyon pala, mas mapapakinabangan nito ang skills sa pagdidirek at pagkakaroon ng vlog kumpara sa kanilang may pagka-old school pagdating sa social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.