Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo pinagkaguluhan ang paglubog sa yelo

0 74

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi naman bago ang ginagawang ice bath ni Matteo Guidicelli. Nakakataka at nakakahibang kung bakit ang mga diwata at sirena eh pinagtatalunan ito.

Ang ice bath eh palagiang ginagawa ng mga atleta pagkatapos ng isang pangmalakasang pakikipagtunggali para nga walang muscle soreness na mararamdam at manageable ito.

Ang kabiyak ni signiorina Sarah Geronimo-Guidicelli, ginagawa ito kasi nga tinotodo nito ang pagwo-work out. At kung papanoorin niyo si signore Guidicelli sa kanyang IG video post tungkol dito, juice colored, ang guwapo-guwapo niya habang super mind over matter sa lamig.

Meron ring ice batch collaboration si Guidicelli na kasama si Nico Bolzico na sadyang nakakaaliw panoorin.Grabe ang kulit ng asawa ni Solenn Heussaff, huh!

Nagkakagulo ang mga diwata kasi ang gusto nilang malaman eh kung hindi ba natatakot si Matteo sa “pasma.”

Iyong totoo pasma ba talaga o mas gusto niyong mapagtanto eh kung gaano kalaki ang “shrinkage” ng salsiccia Italianna at gioielli de famiglia nito?

Ang diva that you love, ang inaasahan naway may iba pang artistang mahilig magpaka-borta na i-post sa kanilang IG ang kanilang paglulob sa yelo.

Panalo siguro mapanood ang tulad nina Derrick Monasterio, Marco Gumabao, Paolo Gumabao at Paul Salas na mag-ice bath challenge. At sana rin ang saplot lang nilang lahat ay manipis na manipis na underwear. Ang harot. Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.