Abante Tonite Interactive

Matteo-Sarah ayaw magpasilip

1,724

tonite-pak-allan-diones

Kinumpirma ni Matteo Guidicelli na nag-Japan nga sila ng nobya niyang si Sarah Geronimo.

Kahapon sa isang presscon ni Matteo ay ina­min niya ‘yung nasulat namin dito sa TONITE na sa Japan sila nag-celebrate ng recent birthday ni Sarah.

Abante Hiring – IT dep

As usual ay ayaw mag-elaborate ng guwaping na binata dahil gusto raw nilang maging as private as possible ang tungkol sa lakad nilang ‘yon.

Actually, super-abang ang mga fan ng AshMatt kung anong mga ipo-post ni Matt from their Japan trip, pero wala man lang itong pasilip.

“It was fun. We had a good time together and it was her 30th birthday, so…” biting tsika ng 28-anyos na Kapamilya actor.

Bilang nag-30-anyos na nga si Sarah, nae-excite lalo ang mga supporter nila kung kailan na ba ang inaabangang kasal.

“Tingnan natin. Hindi ko alam, eh! Ha! Ha! Ha! Tingnan natin,” tawa lang ni Matty.

Kinumpirma rin ni Matt ‘yung tsika na ni-request mismo ni Sarah na magbakasyon sa birthday month nito na July.
Aniya, first time na nangyari ‘yon. Natapos na raw kasi ni Sarah ang movie nito na ‘Miss Granny’ kaya humingi ito ng pahinga sa Viva.

Nang matanong kung birthday gift niya ba kay Sarah ang nasabing Japan trip ay tumawa lang ang Fil-Italian hottie.

“We just had a really good time. I think time is something that we needed, kumbaga. That’s the first time to really spend so much time together. It was an unforgettable time, kumbaga. Hopefully, it would happen more often,” nakangiting pakli pa ng inlabey na binata.

Nu’ng may sumundot kung silang da­lawa lang ba ni Sarah ang magkasama sa Japan ay tumawa lang si Matt at hindi na sumagot.

Bela no comment sa bagong ‘babae’ ni Zanjoe

Parehong walang dyowa ang mga bida ng PPP 2018 entry na ‘The Day After Valentine’s’ na sina Bela Padilla at JC Santos.

Hirit ni Bela, pinakasalan na niya ang trabaho niya dahil ito ang priority niya. Si JC ay wala pa raw dine-date after ng breakup nito with his ex-girlfriend, pero masaya raw itong nagtatrabaho.

After Neil Arce (na nobyo na ni Angel Locsin) ay nag-try naman daw si Bela, pero hindi raw talaga siya ma-date na tao at ayaw niya ng fling-fling. Akala niya raw ay merong isa na magseseryoso, pero hindi, so okey lang.

Nag-try naman din daw ‘yung tao na ‘yon, pero hindi nag-work dahil na rin sa mga priority nito sa buhay. Hindi man binanggit ni Bela kung sino ‘yon ay tila si Zanjoe Marudo ang kanyang tinutukoy.

Sa presscon kahapon ay ayaw na naman niyang pag-usapan si Zanjoe, pero ang sabi ni Bela ay okey naman sila at nagkita sila sa isang event kamakailan.

Hindi pa raw kasi sila nagkakatrabaho ulit, hindi gaya dati na nagkikita sila palagi sa taping. Wala rin daw time na mag-catch up.

Tumangging magreak si Bela tungkol sa magandang surfer-model na nali-link nga­yon kay Zanjoe na si Josie Prendergast dahil labas na raw siya roon.

After the open forum sa presscon kahapon ay medyo nagkaroon ng awkward moment dahil habang nagpapaliwanag si Bela kung bakit siya nag-tweet after nu’ng PPP presscon last time na na-offend siya sa mga tanong ng isang press ay nandu’n sa harap niya ‘yung female entertainment editor na tinutukoy niya.

Ayon kay Bela, nagulat, na-offend at nasaktan siya sa mga tanong nito. Sana raw ay maging sensitive sa isa’t isa ang mga press at artista dahil very open naman daw siya at sinasagot niya lahat ng tinatanong sa kanya.
Alam niya raw na part ‘yon ng showbiz, pero hindi raw siya bayad para sumagot sa lahat ng tanong lalo na kung personal na. Sinabi niya mismo ‘yon du’n sa taong involved, na sobrang nasaktan siya at feeling na-attack siya sa way ng pagtatanong nito. Nasa good and happy mood pa naman daw siya nu’ng time na ‘yon.

Pero kahit may slight confrontation na naganap ay sinabi ni Bela sa harap ng female entertainment editor na naka-offend sa kanya na okey na sa kanya ‘yon.

Parehong proud sina Bela at JC sa ‘The Day After Valentine’s’ dahil totally different daw ito sa blockbuster PPP entry nila last year na ‘100 Tula Para kay Stella’.

Kinakabahan daw sila dahil malapit na ang showing, pero hindi competition ang tingin nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino kundi celebration. Wish nila na mag-hit ulit ang ‘Valentine’s’ na katulad ng ‘Stella’.

JCBel pala ang tawag sa Bela-JC tandem, kaya nagbiro si Bela na dapat ay gumawa sila ni JC ng remake ng ‘Dyesebel’ tutal ay gusto niya raw talagang maging sirena.

Sa August 15 ang showing in cinemas nationwide ng walong entries sa PPP 2018.