Abante Tonite Interactive

Matteo-Sarah honeymoon naudlot

1,924

Ni: Rona Ronda

Nagsalita na si Matteo Guidicelli, matapos ang intimate christian wedding nila ni Sarah Geronimo nitong Huwebes, February 20 sa Bonifacio Global City.

Sa isang eksklusibong interview ni MJ Felipe sa TV Patrol, sinigurado ng aktor na matutuloy pa rin ang engrandeng church wedding.

Masayang tugon ni Matteo, “Of course, one day! one day, one day. When everything’s settles down.”

Hinggil naman sa petsa ng kanilang bonggang wedding, minabuti na lamang ni Matteo na ilihim kung kailan ito magaganap.

Matapos naman ang kanilang private wedding, ang malaking tanong ng mga netizen at fan, Nakapag-honeymoon na ba sila?

Pag-amin ni Matteo, “Well, busy pa sa work, busy pa sa work, wala pa!”

Nagbigay rin ng update ang aktor sa kanyang asawa matapos ang nangyaring pag-gatecrash ni Mommy Divine Geronimo.

Aniya, “To all the people out there giving goodvibes, we’re all good and this is the happiest we’ve ever been in. Thank you, thank you… We love you.”

Tanging tawa na lamang ang itinugon ni Matteo sa tanong kung magkasama na ba sila sa iisang bubong ni Sarah. Sa huli ay buong pagmamalaki niyang ipinakita ang kanyang wedding ring.