Abante Tonite Interactive

Matteo-Sarah parehong ok kahit may suntukan

2,433

Kumpirmadong kasal na nga sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo via civil wedding last Thursday night, Feb. 20, 2020. Bukod sa lumabas nga nga kahapong confirmation mula sa sinuntok umano ng aktor na close-in security ni Popstar, kinumpirma rin ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe ang nasabing kasalan sa kanyang Twitter account.

“CONFIRMED: Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli officially tied the knot last night via a civil wedding. 2.20.2020,” tweet ni MJ.

Pahayag pa niya ay okay naman daw pareho sina Sarah and Matteo.

“From a very reliable source: Sarah is ok. Matteo is ok,” tweet pa ni MJ na nakapagpahinga nang maluwag sa mga fan.

“Good to hear back ok ang dalwa. Any babait ng dalawa bat di pa mabigay ang happiness especially Sa­rah,” pahayag ng netizen.

Tanong naman ng isa, “what about Mommy Divine, malamang hindi.”
Mukhang hindi biro ang nangyaring drama sa kasalan nang dumating si Mommy Divine and as we write ay nag-aabang pa rin kami sa mga detalye kung may magsasalita.

Halos iisa naman ang komento ng mga netizen sa kasalan. Anila, Sarah is 31 years old at hayaan na lang daw sana itong lumigaya ng kanyang mga magulang. After all, hindi ba’t ang kaligayahan naman ang hangad ng mga parent para sa kanilang anak?

As for Sarah and Matteo, they deserved to be congratulated hindi lang dahil kasal na sila kungdi dahil naipaglaban talaga nila ang kanilang pagmamahalan.

Ria sumuka sa taping

Three months pa lang na walang show si Ria Atayde sa ABS-CBN matapos ang Parasite Island last December, pero sobrang na-miss na niya agad ang pag-arte. Kaya naman sobrang thankful siya sa Ipaglaban Mo dahil muli raw siyang ibinalik sa pag-arte.

Si Ria kasi ang bibida sa episode ng IM ngayong Sabado ng hapon, Feb. 21 na pinamagatang “Saleslady” kasama sina Geoff Eigenmann and Junjun Quintana.

Sey nga ni Ria sa kanyang panayam sa Kapamilya Chat online, feeling daw niya ay kinalawang na siya sa tatlong buwang wala siyang acting project.

“Si Geoff kasi ang una kong nakaeksena. Mabigat ‘yong eksena, ‘yong court room scene ‘yung kinu­nan agad. So, parang I asked for his help agad and from the start, he was already helping me and I’m so grateful,” sey ni Ria.

Isang rape victim ang role ni Ria na talaga raw sobrang challenging. Aniya, first time niyang sumuka sa taping dahil sa pagod.

“Napagod ako nang bonggang bongga, pero ang sarap sa pakiramdam, especially after 3 months na hindi ako nakapagpahinga nang ganu’n,” ani Ria.

Ayon kay Ria ay pareho raw napaka-gentleman nina Geoff at Junjun. May kissing scene siya sa una at may rape scene naman sa huli at kahit mahihirap ang eksena ay naging magaan daw dahil very helpful and supportive ang 2 aktor.