Abante Tonite Interactive

Matteo tagasalo ni James sa ‘Pedro Penduko’

659

Now, it can be told na si Matteo Guidicelli na ang gaganap sa papel ng folk super hero na Pedro Penduko, ang role na inatrasan ni James Reid dahil sa kanyang tinamong shoulder injury habang siya’y nagti-training for the said role.

Ang Pedro Penduko movie ay dalawang beses ginampanan noon ng singer-actor-comedian na si Janno Gibbs. Una nu’ng taong 1994, ang “Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko” na dinirek ni J. Erastheo ‘Baby’ Navoa at pangalawa nu’ng 2000, ang “Pedro Penduko Episode II: The Return of the Comeback” na dinirek naman ni Erik Matti.

Ang bagong version ng “Pedro Penduko” na pagbibidahan ni Matteo ay tatampukan din nina Empoy Marquez at childstar na si Alonzo Muhlach at nakatakdang idirek ni Treb Monteras.

Since hindi na si James Reid ang gaganap na Pedro Penduko, malamang na hindi na rin si Nadine Lustre ang gumanap sa papel na Maria Makiling kaya malamang na ito’y gampanan ng long-time girlfriend ni Matteo, ang Pop Star na si Sarah Geronimo.

Bago pa man pumasok si Matteo sa loob ng Camp Tecson in San Miguel, Bulacan for his month-long training as scout ranger bilang army reservist ay alam na nito ang unang proyekto na gagawin sa bakuran ng Viva Films bilang bagong miyemro ng Viva Artists Agency (VAA).

Although iniiwasan pareho nina Mateo at Sarah na magsama sa anumang project (to protect their relationship), hindi ito maiiwasan lalupa’t nasa iisang bubong na sila sa bakuran ng Viva.

Being a triathlete at katatapos pa lamang sa kanyang isang buwang training as army reservist, physically fit si Matteo for the role na kanyang gagampanan.

Still on Matteo, documented pala lahat ang ginawang training ni Matteo bilang scout ranger sa loob ng Camp Tecson in Bulacan at nakatakda itong ilabas bilang isang documentary ng Viva para malaman ng publiko kung gaano kahirap maging isang sundalo.

Bela nganga sa PPP

Tiyak na mami-miss ni Bela Padilla ang ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magaganap sa darating na September 2019. Ang first two PPP ay may kalahok siyang pelikula, ang romantic movie na “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentine’s” na pinagtambalan nila ni JC Santos. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Ang dalawang nasabing pelikula ay parehong nanguna sa takilya sa 2017 and 2018 PPP.

Pero sa 3rd PPP ay may movie entry si JC Santos, ang “Open” na pinagta-tambalan nila ni Arci Muñoz. Idinirek ito ni Andoy Ranay sa ilalim ng T-Rex Entertainment and Black Sheep Productions.

Samantala, si Bela naman ay abala ngayon sa taping ng tumatakbong serye sa Kapa-milya Network, ang “Sino ang May Sala (Mea Culpa)”. Meron din siyang bagong movie project sa bakuran ng Viva Films bukod pa sa kanyang pagsusulat ng bagong movie screenplay.

Nasa bucket list ni Bela ang pagdidirek balang araw.