Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo tinanggi ang pagkakalabuan kay Sarah

0 80

Itinanggi ni Matteo Guidicelli ang tsikang on the rocks ang marriage nila ni Sarah Geromimo. Ayon sa aktor sa ginanap na virtual presscon for Sun Life Philippines, everyday has been a blessing for them simula nang ikasal sila.

“Every day is a blessing. Every day, I’m so grateful that I can wake up to such a beautiful person beside you, to make decisions together and go through life together and it’s incredible,” ani Matteo.

In fact, ayon pa sa aktor ay inirerekomenda niya ngayon sa lahat na mag-asawa na rin.

“I recommend marriage to everybody as long as you found the perfect person that you can synergize with. It’s great. Everything is great. It’s such a blessing. It’s just a wonderful, wonderful time,” pahayag ni Matteo.

Aminado naman ang aktor na hindi naman perfect of course ang pagsasama nila ng kanyang misis.

“Mahirap na yatang makahanap ng perfect na relationship, eh. Kaya naging exciting. Siyempe, there are days na pag nag-aaway kayo “ah, please, sana wala na ‘to, sana hindi na kami nag-aaway.’

“But I think, that’s part of it, eh. You just have to learn how to go through it.”

Ang estilo nga raw niya pag nag-aaway sila ay lagi niyang sinasabi kay Sarah na “love, it’s my fault.”

At ngayon ngang nasa bagong chapter na siya ng kanyang buhay, mas nakatulong kay Matteo ang pagiging Ambassador ng Sun Life Ph dahil ito ang naging katuwang niya sa pagbuo ng kanyang financial foundation para sa future ng kanyang binubuong pamilya.

Kaya naman bumuo rin ang Sun Life ng bagong Newlywed Starter Pack para mag-fit din sa kanilang Ambassador at sa iba pang bagong-kasal na tulad ni Matteo.

“I believe in the value of proper planning for my various pursuits, such as a movie role or a triathlon race, and I look forward to applying this in the next level of my financial journey. With Sun Life, I am more confident that I can give my loved ones a brighter future,” Matteo said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.