Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo type maging star ang anak kay Sarah

0 83

Tinanong si Matteo Guidicelli kung naniniwala siya na pag nagka-baby sila ni Sarah Geronimo ay magiging born to be a star din?

“Sana!Tingnan natin. Si Teacher Georcelle bahala diyang mag-groom kumbaga.,” pakli ni Matt sa virtual presscon ng “Born To Be A Star”

“Pasalihin din natin sa show na ito,” pagbibiro ng actor-tv host.

Papayagan ba niya kung gustong mag-artista ang anak nila?

“Siyempre, kung anuman ang gustong gawin ng baby namin in the future di suportahan natin, di ba?Teacher G bahala ka,” sambit niya.

Samantala, pagsasamahin ng “Born To Be A Star” bilang host sina Matteo at Kim Molina, ang Jowable breakthrough artist and singer.

Huling nagkatrabaho ang dalawa bilang judge detectives sa Masked Singer Pilipinas na natapos noong Disyembre.

Matatandaang noong 2016, sanib-puwersa ang Viva Entertainment at TV5 sa pagpapalabas ng reality-singing competition na ito. Pinarinig nila ang magagandang tinig upang patunayan na sila ay “Born To Be A Star”. Sa palabas na ito nagsimula ang karera ni Janine Teñoso na kinikilala ngayon bilang OST Princess.

Ngayong Enero, nagbabalik ang “Born To Be A Star” para magbukas ng oportunidad sa mga nangangarap na maging sikat na mang-aawit. Ngayong panahon ng pandemya, alam ng Viva na ang palabas na ganito ay kailangan upang ipakita na dapat tuloy lang ang pagtamo ng pangarap. Kasama ng Viva ang TV5, Sari-Sari at Cignal sa paghatid ng programang ito. Ipakikita ng show ang journey ng mga contestants simula audition .Masusi silang pagpipilian ng mga Star Judges. Makakasama ni Janine Teñoso bilang Star Judge si Teacher G (Georcelle Sy), na minamahal at nirerespeto bilang artistic director and choreographer.

Nagbabalik din ang rap icon at singer-songwriter na si Andrew E para gampanan ang tungkulin bilang hurado na ginawa niya noon sa Born To Be A Star. Ang dalawa pang Star Judges ay sina Sam Concepcion at Katrina Velarde, ang “Suklay Diva” na nagpabilib sa Masked Singer Pilipinas bilang Diwata. Labing-walo mula sa mga apatnapung nag-audition ang tutuloy sa boot camp .Sasailalim sikla sa training ng mga Star Mentors na sina Thyro, Wency Cornejo, at Mark Bautista na kapwa eksperto sa pag-perform, pagsulat ng kanta, at paggawa ng areglo ng musika.

Si Teacher G ay kasama rin sa pagtuturo para ma-develop ang stage presence ng mga kalahok. Sa oras na magsimula ang singing battle, magkakaroon ng eliminasyon. Sisiguraduhin ng programa na kahit sinoman ang mapauwi ay may baon pa ring bagong kaalaman.

Habang hinahanap ng “Born To Be A Star” ang natatanging contestant na pinakaangat sa lahat, bibigyan sila ng sariling panahon para angkinin ang entablado at ipakita ang kanilang husay sa pagkanta, pati na rin ang magandang personalidad. Lahat ay may pagkakataong ipakita kung bakit sila ay bituin sa kanilang pamilya, trabaho, o kumunidad. Ang grand champion ay tatanggap ng isang milyong piso , recording at management contract mula sa Viva.

Magsisimula na ang “Born To Be A Star” sa Enero 30, 2021, Sabado, 7 ng gabi sa TV5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.