Abante Tonite Interactive

Matteo type maging Tarzan

0 174

tonite-imo-vinia-vivar

Hindi itinatanggi ni Matteo Guidicelli ang pagka-proud sa girlfriend na si Sarah Geronimo sa nakaraang performance nito sa Papal Visit event sa United Arab Emirates (UAE) last week.

“It’s awesome,” sabi ni Matteo nang makausap ng press sa kanyang contract signing with Viva Artists Agency. “I mean, who gets to do that, ‘di ba? And Sarah’s the only one, ‘di ba? She sang 7 songs, one in Italian.”

Abante Hiring – IT dep

Kuwento ni Matteo, tinanong pa raw ni Sarah ang kanyang amang Italian tungkol sa mga pronunciation ng kanta.

“She was asking my dad for translation and pronunciation so we’re all very proud. Even my uncle from Italy just called kanina and he said, Sarah came out on the Vatican TV. They showed a very famous, successful Filipino performer performed for the Pope,” proud na kuwento ni Matteo.

“It was astig,” dagdag pa niya.

Hindi nga raw siya nakasama kay Sarah and sey ni Matteo, “how I wished.”

Ngayong magkasama na sila sa management ni Sarah, ayon kay Matteo ay sobrang excited siya and looking forward for the things to come. Hopefully raw ay more movies to come sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.

Dream daw niya na gumawa ng action film at ang dream role raw niya ay Tarzan dahil ito raw ang pinapanood niya while growing up.

Gusto raw niya ang adventure at gusto raw niyang tumatalon-talon na hindi naman kataka-taka dahil athletic nga siya. Wala rin

daw problema sa kanya kung naka-bahag lang siya sa pelikula na costume ni Tarzan.

Sa mga female actress ng Viva, aside from Sarah ay gusto niya ring makasama sina Yassi Pressman, Cristine Reyes and Nadine Lustre.

***

Big screen tigok sa digital movie

Natanong namin kay Direk James Mayo kung sa tingin ba niya ay hindi papatayin ng digital movie ang mainstream movies since libre nga lang ang mga pelikulang napapanood sa mga streaming apps tulad ng iWant. Sa February 14 ay mapapanood na ang gawa niyang “Apple of My Eye” hatid ng iWant and Dreamscape Digital.

“Hindi naman. Fee­ling ko, hindi. Kasi iba rin ‘yung ilalagay mong content sa streaming, iba rin ang ilalagay mong content sa big screen.

“Sa streaming, iba rin ‘yung atake mo para ma-hook mo ‘yung audience, para ma-sustain mo ‘yung viewing experience nila,” ani direk.

Usap-usapan nga ngayon na simula nitong Enero ay wala nang kumikitang mga pelikula sa sinehan at naaalarma na rin ang mga taga-industriya. Nasisisi rin ang theater owners dahil inaalis ang mga pelikulang hindi kumikita after 1 day or 2 na hindi ito kumikita.

Nalulungkot din si Direk James sa nangyayaring ito pero mahirap din naman daw na isisi sa mga theater owners dahil negosyo nga naman nila ito.

“Kailangan mo ring intindihin na nagbabayad sila ng kur­yente, nagbaba-

yad sila ng renta, nagba-bayad sila ng tao. So, ang hirap isisi lang sa kanila,” pahayag ni direk.

Mas maganda raw siguro kung maaalis na ang amusement tax sa pelikula at magkaroon ng mara­ming microcinemas tulad ng Cinema 76 at Cinema Centenario na mga alternative theater na puwedeng paglabasan ng mga pelikula.

Anyway, ang Apple of my Eye will be streaming on Feb. 14 sa iWant iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.