Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matteo willing paander kay Sarah

0 114

NI: ARCHIE LIAO

Isa sa goals ni Matteo Guidicelli ngayong 2021 ang maging best husband sa kanyang wifey na si Sarah Geronimo.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang IG story.Makikitang hawak niya ang isang libro sa isang kamay na tila nagbabasa habang sa kabila naman ay hawak ang vacuum cleaner.

Sey ng mga netizen, multitasker daw pala si Matteo.

Hirit ng iba, tipong house husband daw ang drama nito na willing magpa-ander sa Popstar Royalty.

Marami rin ang bumilib sa Fil-Italian actor dahil tumutulong daw pala ito sa household chores sa misis.

SM food to go Banner Ad

Saludo rin sila sa pagiging simple at masinop ng dalawa na kahit afford na mag-hire ng maraming helper ay hands-on sa mga gawaing bahay.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizen:

“Best Husband ka na talaga Mr. G! #SarahAll

Juice colored matatapos nga po kayo nyan at napakalaking help nyan kay Sarah G!”

“Multitasking at its finest! Happy start of the year Matteo & Sarah.”

Samanatala, nakalipat na ang mag-asawa sa kanilang bagong bahay na ibinahagi nila sa YouTube channel ng isang brand na iniindorso nilang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.