Abante Tonite Interactive

Matulis na sports official nilayasan ng kanyang esmi!

By
2,535

Hiwalay na ang puti at de-kolor sa pagitan ng isang mataas na opisyal sa sports at asawa nitong politiko.

Hindi na natiis ni asawang politiko ang matagal na pagmamatyag at pagpapaimbestiga sa kanyang asawa na pangulo ng isang magulong national sports association (NSA) kaya tuluyan na itong nag-alsa balutan.

Mahabang panahon ang naging pagsasama ng mataas na opisyal at asawang politiko, subalit kamakailan lamang ay tuluyang natuldukan ang pasensiya ng huli matapos makumpirma ang matagal na kinikimkim na hinala.

Lesmatu pa rin pala ang pangulo ng NSA na nagawa pang makabuo ng panibagong aalagaan.

Kaya naman nang malaman ito ng kanyang asawang politiko ay agad itong nagdesisyon na iwanan at makipaghiwalay na kay NSA president at sumama sa kanyang unang naging ‘love at first sight’.

Nag-iwan na lamang ito ng sulat na ‘Bye, bye Papa Sang’. Sino ang iniwan at sino ang nang-iwan? May Letrang ‘C’ si iniwan at may letrang ‘T’ si misis.