Abante Tonite Interactive

Matulis na young actor palihim ang kalokohan

1,518

tonite-no-thanks-cristy-ferminKailangan pantayan ng pagiging­ tapat ng isang young actor ang ginawang paninindigan ng kanyang girlfriend na ipagtanggol siya sa pamilya nito. Kung tutuusin ay puwedeng nakinig ang young actress sa mga nagsusulsol sa kanya na hiwalayan na nito ang young actor pero hindi nito ginawa.

Mas pinili ng young actress ang kanyang boyfriend sa kabila ng mga balitang kumakalat na meron siyang ginagawang kalokohan nang palihim.

Kuwento ng aming source, “Masyadong dinamdam ng girl ang mga pinakawalang salita ng kapamilya niya tungkol sa boyfriend niya. Kung anu-ano kasi ang sinabi ng taong akala niya, e, makakaintindi sa kanya, kaya nagtago ng sama ng loob ang girl.

“Natural, nalaman ‘yun ng boyfriend niya, sobra ang pagpapasalamat sa kanya ng guy, kaya sinabi sa kanya na kahit ano pa ang mangyari, siya lang ang nag-iisa sa buhay ng karelasyon niya,” kuwento ng aming source.

Pero maraming nagdududa sa pangako ng young actor. Mukhang hindi raw niya mapaninindigan ang kanyang pangako sa girlfriend niya dahil kilalang-kilala ng kanyang mga katrabaho ang kanyang asim pagdating sa mga girl.

Sabi pa ng aming source, “Sana nga, e, makaya niyang panindigan ang promise niya, kasi, isinakripisyo ng girl ang isang mahalagang relasyon para sa kanya.

“Ang lalaking ‘yun pa naman, matulis siya, hindi lang halatado ‘yun dahil parang tatahi-tahimik lang siya. Parang simple lang ang porma niya, pero matulis ‘yun!” madiing sabi ng aming kausap.

Dapat daw magpasalamat ang young actor dahil kahit maraming may gustong pumorma sa magandang batang aktres ay nagdadalawang-isip ang mga ito.

“Naku, pasalamat siya talaga, dahil marespeto sa kanya ang mga kasabayan niya. Isa pa, may pagkamaldita ang girl, hindi nila ma-approach, dahil baka pagsupladahan lang sila,” huling kuwento ng aming source.
***

Kris nagtago ng alas

Sinasang-ayunan ng marami ang desisyon ni Kris Aquino na pansamantalang magpaalam sa social media. Naging buhay na ng aktres-TV host ang socmed pero sa pagkakataong ito ay kailangan niyang maghinay-hinay para sa kanyang pangsariling kapakanan.

Tama ang kanyang ideya na kung minsan ay kailangan niyang magtago ng mga alas para hindi alam ng kanyang mga kalaban ang mga kilos at desisyon niya. Kailangang may iniiwanan din siyang bahagi ng kanyang buhay na para sa kanya lang.

Mabilis basahin ang mga plano ng isang taong bukas na bukas ang buhay sa publiko. Kapag bawat hakbang ay alam ng buong bayan, kapag ang mga nagaganap­ sa buhay niya ay nakalantad sa publiko, kabisado na ang likaw ng kanyang bituka.

Nagtatanungan kaming magkakaibigan kung ano ang dahilan at bakit nagdesisyon si Kris na pansamantalang lumayo sa social media. Sa kanyang pananahimik ba ay may nilulutong mga plano na hindi dapat malaman ng publiko?

Tanong-opinyon ng kaibigan naming propesor, “Afraid! Nakakaalarma ang desisyon niyang ‘yan. Mula sa isang taong parang hindi mabubuhay nang hindi nag­lalabas ng mga nangyayari sa buhay niya sa maghapon at magdamag, nakakatakot ‘yan!

“Baka may malaking laban na pinaghahandaan si Kris, hindi kaya? Baka may plano siyang gawin na hindi dapat malaman ng publiko ang mga galaw niya?

“Hindi kaya nakapag-decide na siyang pumasok sa politics? May mga pahimakas siya lately na huwag siyang hahamunin, dahil sanay na sanay ang family niya sa pagharap sa matitinding laban!

“This is alarming,­ hindi ito si Kris. Kabahan na ang dapat kabahan d’yan sa decision niyang manahimik sa social media na parang bahay na niya,” may konbiksiyong komento pa ni prop.
Puwede!