Abante Tonite Interactive

Matumal ang ulan sa Antartica

13

Alam n’yo bang hindi sa disyerto matumal ang pag-ulan? Mas konti umulan sa malamig at mayelong lugar na Antartica dahil umaabot lamang sa 6.5 inches ng tubig-ulan ang bumabagsak dito kada taon.

***

Sa planetang Venus at maging sa buwan, ang bumabagsak na ulan ay kombinasyon ng sulfuric acid o methane.

Abante Hiring – IT dep

Nadiskubre rin ng mga siyentipiko sa isang planetang may layong 5,000 light years mula sa Earth ang kakaibang ulan na binubuo ng pinong bakal.

***

Naitala ang pinakamaraming ulan sa Cherrapunji, India na umabot sa 25.4 meters.

***

Ang pinakamataas na snowfall na na-record sa loob ng isang taon ay naganap noong February 19, 1971 at February 18, 1972 sa Mount Rainier, Washington State USA na umabot ng 31.1 metro ang kapal.

***

Ang USA ang nakakaranas ng mara­ming hagupit ng tornado na umaabot sa 1,200 kada taon. Itinuturong dahilan ng mga siyentipiko ay ang kakaiba nitong geography na tinatawag nilang ‘Tornado Alley’ na paboritong bayuhin ng tornado.

***

Ang ‘dust storm’ ay kombinasyon ng dumi at malakas na hangin na karaniwang tinatawag na ‘black blizzards’

***

Alam n’yo bang nagagawang baluktutin ng heatwave ang riles ng tren. Noong 2003, isang heatwave ang grabeng puminsala sa taniman ng ubas na dahil sa sobrang init ay nagmistulang raisins ang mga ito.

Related Posts

***

Umaabot sa 2,000 ulan ang bumabagsak sa ating planeta kada minuto.

***

Laging malakas ang hangin sa Cape Farewell sa England.

***

Posibleng ‘di mo makita ang iyong kamay kapag itinapat mo sa iyong mukha dahil sa malakas na snow fall sa Antartica.

***

Noong 1972 isang malakas na blizzard ang nagbagsak ng 8 metrong snow sa bansang Iran na tumabon sa 200 villa­ges.

***

‘Black ice’ ang tawag sa transparent coating ng yelo na super dulas kapag tinapakan.

***

Pinaniniwalaang nag-iingay ang mga pa­laka bilang babala sa paparating na malakas na ulan.

***

Noong 1684, nakaranas ng pinakamalamig na panahon matapos maging yelo sa loob ng dalawang buwan ang River Thames.