Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matumal pa pagdating ng mga turista

0 77

Bahagyang matumal pa ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas kahit niluwagan na ang mga protocol laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval matapos buksan sa mga dayuhan ang bansa noong Pebrero.

“Ang average po natin, naglalaro sa around 15,000 arrivals per day, medyo malayo ito sa usual arrivals natin noong pre-pandemic. Noong 2019, ang average po natin is 45,000 arrivals per day ngayon nasa 15,000 pa lamang,” ani Sandoval.

SM food to go Banner Ad

Umaasa ang BI na tataas ang mga dayuhang bibisita sa mga susunod na araw lalo na ngayong niluwagan pa ang mga protocol para sa dumarating na mga biyahero sa bansa.

Batay sa huling resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, hindi na hahanapan ng negatibong RT-PCR test result ang mga dayuhang kumpleto sa COVID bakuna at may booster shot pa kapag bumiyahe sa Pilipinas. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.