Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mau abala sa musika

0 99

Sa kantahan muna bibirit!

Ganito ang senaryo ngayon ni Philippine SuperLiga (PSL) star Tyler-Marie Kalei Mau nang sumama sa lineup ng isang band gig sa Hawaii.

Kasama ng former F2 Logistics Cargo Movers outside hitter ang ilang local artist sa pag-promote sa kanilang rock-rock-an.

SM food to go Banner Ad

“@aisaiahjacobs & I jamming together again 7-8 pm,” caption ni 25-anyos at 6-2 ang taas na beteranang balibolista sa kanyang social media account Miyerkoles.

Umuwi muna sa sinilangan niyang nabanggit na estado ang Fil-Am volleybelle dahil wala pang laro ang liga dulot ng pandemya sapul noong Marso.

At dahil off pa sa bola, bukod sa pokus ngayon ang dalaga sa pagwowork-out matapos mapabalitang nagtayo ito sariling online fitness program, busy-busy-han din din siya sa gig. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.