Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mau babad sa yelo

0 212

LITERAL na kilig to the bones si volleybelle Kalei Mau dahil nagbabad ito sa malamig na yelo.

Ibinahagi ng balibolista sa kanyang Instagram story na parte ng kanyang pagpapakondisyon ang pagbababad nito ng katawan. “Frick,” simpleng caption ng Filipino-American volleyball star habang nanginginig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon kasi ay puro pagpapalakas ng katawan ang pokus ng balibolista dahil balik-laro na naman ito sa professional volleyball.

Nitong nakaraang Huwebes ay sumalang na ito bilang import sa Puerto Rico kung saan sa unang laro pa lang ay kumana na ito ng 11 puntos at naibigay ang panalo sa Las Changas de Naranjito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.