Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mau, F2 gigil nang pumalo

0 333

Tiniyak ni F2 Logistics star Tyler-Marie Kalei Mau na handa siya at ang Cargo Movers, sino man ang makatapat sa pagsiklab ng Premier Volleyball League Open Conference sa huling linggo ng Mayo sa playing-venue bubble.

Ibinahagi ng 26-year-old, 6-foot-2 Fil-Am veteran volleybelle ilang araw pa lang ang nakararaan na magbabalik siya sa team sa unang Linggo ng Abril mula sa sinilangang Hawaii sa isang taong pagkatengga roon sanhi ng COVID.

“I’m always gonna put my money on F2. We’re such a strong team. Even though we haven’t been together more than a year, our connection doesn’t ever fade. I haven’t been to a PVL game, I haven’t seen the competition there but I know what we’re gonna bring is something great,”litanya niya sa CNN Philippines Martes ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Dugtong pa ng multititled outside hitter, “Whatever it is, like whoever wants to come at us, we’re gonna be ready no matter what.”

Lumipat ang F2 sa nag-professional na PVL mula sa semi-pro Philippine Super Liga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.