Abante Tonite Interactive

Mau, F2 Logistics diretso sa Final 4

368

Walang kahirap-hirap na umentra sa semifinals ang F2 Logistics Cargo Mover matapos walisin sa tatlong set ang Sta. Lucia Lady Realtors, 25-10, 25-14, 25-17, sa knockout quarterfinals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kagabi.

Kumayod si Fil-American Kalei Mau ng 17 points mula sa 13 attacks at apat na blocks habang 11 ang inambag ni Ara Galang para sa Cargo Movers na kakapitan ang twice-to-beat advantage sa semis.

Si Pam Lastimosa ang namuno sa opensa para sa Lady Realtors matapos ilista ang 10 puntos.

Makakalaban ng Cargo Movers sa semis ang Foton Tornadoes habang magkatapat naman ang Petron Blaze Spikers at Cignal HD Spikers.

Bukod sa Cargo Movers, may insentibo din ang Blaze Spikers laban sa HD Spikers. (Elech Dawa)