Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mau, Maraño rambol sa pang-6

0 125

Yumuko si Tyler-Marie Kalei Mau at ang Choco Mucho sa Supreme Chonburi ng host country, 13-25, 22-25, 21-25, sa knockout quarterfinals ng 2021 AVC Asian Women’s Club Championship sa Terminal 21, Nakhon Ratchasima, Thailand Lunes.

Out sa semifinals ng torneo ang Philippine club team na hindi sapat ang 16 points ni Mau at ang 14 markers ni Mylene Paart sa pagbagsak sa classification round ng seven-team, four-country weeklong event.

SM food to go Banner Ad

Tilapon din si Abegail ‘Aby’ Maraño at Rebisco kontra Nakhon Ratchasima QminC VC ng punong abalang bansa pa rin, 11-25, 19-25, 18-25, sa isa pang quarters game.

Kaya magtutuos na lang ang Choco at Rebisco para sa sixth-seventh place. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.