Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mau palaban sa tugtugan

0 102

Hindi lang sa paseksihan at paluan sa bola palaban si Philippine SuperLiga (PSL) star Tyler-Marie Kalei Mau ng F2 Logistic Cargo Movers, kundi sa larangan din ng musika.

Sa Instagram story Huwebes ng 25-anyos, 6-2 ang taas na outside hitter, nagmistula siyang `one-man band’ nang ipasilip ang pinagsasabay-sabay na pag-ukulele, pagsipa sa beat box at pag-awit.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nitong mga nakaraang araw lang, namulagat sa mga seksing larawan ni Mau ang mga netizen. Maging ang nobyong si Philippine Basketball Association (PBA) star Christopher ‘Chris’ Ross ng San Miguel Beer napa-wow sa ka-LDR ngayong dyowa.

Bakasyon pa rin sa Hawaii ang beteranang balibolista dahil naka-lockdown pa at wala pang laro ang liga na balak magbalik sa March 7 Fans Day. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.