Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mau, PH club team pang-6

0 62

Pumalo ng 12 points si Tyler-Marie Kalei Mau, pero lumuhod pa rin ang Choco Mucho Philippines sa Zhetysu Kazakhstan, 14-25, 11-25, 23, upang pumang-anim sa pagrolyo ng 21st AVC Asian Women’s Club Championship 2021 sa Terminal 21, Nakhon Ratchasima, Thailand Huwebes.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Tinapos ng Flying Titans ang kampanya sa seven-team, four-nation weeklong event sa 1-3 win-loss record. May 0-2 sa Pool A prelims saka nilagot ang kamalasan sa pagdaig sa isa pang PH squad (Rebisco), 22-25, 25-17, 25-19, 25-17.

Nangulelat naman ang pinangunahan ni Abegail ‘Aby’ Maraño na Rebisco na walang naipanalo sa limang laro. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.