Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maui papatapyas ng boobs

0 106

Maraming dahilan kung bakit nagdesisyon ang dating sexy star na si Maui Taylor na ipatanggal na ang breast implant niya.

Isa na rito ay hindi na aniya ito kailangan upang masabing “sexy” ang isang aktres.

“Noong time namin po na nagse-sexy kami sa pelikula, talagang kailangan mayroon kang enhancement. Pero ngayon, you can be sexy naman po even without that one,” sey ni Taylor sa panayam ng Push.

Tsika ng dating Viva Hot Babes member, hindi na siya komportable sa laki ng dibdib niya. Pakiramdam daw niya, bumibigat ito habang tumatagal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kuwento pa ni Maui, kinokonsidera niya ang opinyon ng dalawa niyang anak na lalaki.

“Mayroon akong two boys na pinapalaki na sobrang overprotective din sa akin,” dagdag niya.

Sa Marso aniya posibleng mangyari ang operasyon. Naghahanap lang aniya siya ng free time dahil kailangan nito ng 3-linggong healing period. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.