Abante Tonite Interactive

Maureen bumigay sa harana

636

May rason naman pala talaga kung bakit nahuhumaling si JK Labajo sa kasintahang supermodel na si Maureen Wroblewitz.

Nasa pigura ni Maureen ang malaking ebidensya na walang lalaki ang hindi papayag na mawala sa buhay nila ang ganitong kalakas na alindog.

Kitang-kita sa latest Instagram post niya ang kanyang sexy photo na walang kapares. Umaapaw ang kanyang sex appeal at kagandahan.

Dalawang pirasong tela lang ang nakatakip sa kaselanan ni Maureen sa bikini outfit na suot nya. Buti na lang open-minded ang BF niya kahit pagpiyestahan ang kanyang makurbang katawan. Kungsabagay, hanggang sa larawan lang naman nila puwedeng pagpantasyahan ang dalaga.

Pag-aari na ni JK ang puso, pagtitiwala at kaseksihan ni Maureen, na bumigay sa harana ni Labajo. (Rey Pumaloy)