Abante Tonite Interactive

Maureen grand winner ng Superbod

By
5,795

Habang busy-busyhan sa Europe si Maureen Wroblewitz, ang top winner ng Asia’s Next Top Model na tatlong buwang mananatili sa London para atupagin ang kanyang modeling career sa England at Europe, hindi pa rin napapahinga ang Prima Stella Management na ang CEO ay si Chinie Go at partner niya ang bff naming si Rex Belarmino.

Isang Maureen naman ang kanilang naging pambato sa Century Tuna Superbod 2018.

Ang laging dating runner-up lang na si Maureen Montagne (1st runner sa Ms. World-USA 2017 at naging 1st runner-up sa Mutya ng Pilipinas 2013) ay Grand Winner na ng Female Division sa Century Tuna Superbod.

Left and right ang project ngayon ni Ms. Montagne.

Matiyaga, maganda, sexy at witty kaya winner ang beauty ni Maureen.

Down-to-earth kaya bilib na bilib si Mr. Hiromasa (Zukky) Suzuki, ang founder ng Hallo Hallo Home na isa sa mga affi­liate companies ng Hallo Hallo Alliance Inc. (ang nagdala dito sa Pinas ng MNL48 na napanood sa Showtime ng ABS-CBN kamakailan) sa Fil-Am beauty queen from Chandler, Arizona kaya kinuha niya itong opisyal na taga-represent ng kanilang conglo­merate sa mga official event nito dito sa bansa at sa ibang pang parte ng Asia at worldwide.

Maluha-luha si Ms. Montagne nang inimbitahan siyang tumulong sa pamimigay ng school supplies at mga regalo para sa mga scholar ng Bright Light For Life Society sa San Juan City National High School sa Bgy. Corazon de Jesus, San Juan City last week.

Ibang ligaya ang nakita ni Maureen nang makatanggap ng mga bag with school supplies ang mga iskolar ng society. Ramdam din ang tuwa ng ama ng honor student na binigyan ng laptop ng Gate of Assets Foundation na ang executive director ay si Mr. Hiromasa Suzuki rin.

Ibang klase si Maureen Montagne sa question and answer sa Superbods 2018. Sabi nga ni Rex Belarmino, kung nauna ang Q&A category baka naghakot si Maureen ng special awards pati na ang magarang kotse.