Abante Tonite Interactive

Maureen makatulo-laway ang hubog

660

Si Maureen Montagne ang itinanghal na 1st runner-up sa Miss Eco International 2019 pageant na ginanap sa Egypt last March 30. Ang pambato ng Peru na si Suheyn Cipriani ang nanalo rito.

Ipinanganak at lumaki si Maureen sa Chandler, Arizona, USA. Siya ay naging Miss Arizona USA 2015 at naging kinatawan ng Arizona sa Miss USA 2015 pageant.

Bata pa lang ay naranasan na ni Maureen ang maging mo-delo. Ang pagsali niya sa mga beauty pageant ang naging susi para ma-overcome niya ang pagiging mahiyain.

Siya ay kumuha ng dance classes sa ballet, tap, jazz, lyrical, at hip hop. Si Maureen ay mahilig ding magsulat at pangarap maging reporter sa Pilipinas or Singapore.

Kabilang sa adbokasiya ni Maureen ang pag-promote ng environmental awareness. Kaya naman masaya siya sa ginawang rehabilitasyon sa Boracay, naging bahagi rin siya ng Manila Bay Project at iba pang local projects na nangangalaga sa kapaligiran.

Filipina ang mother niya, samantalang French naman ang erpat ni Maureen, kaya ang kinalabasan ay isang mixed beauty, na talented pa.

Sa taglay niyang kaseksihan at mapang-akit na ganda, puwedeng-puwede siyang sumabak sa showbiz. Ang tipo ng beauty ni Maureen ay pang-leading lady ng mga action star. Pero pasok din siyang maging sosyalerang friend ng bida or even bilang isang mataray na karakter.

Pero ang tiyak na agad mapapansin kay Maureen ay ang kanyang makatulo-laway na alindog. Sa kanyang Instagram post na suot ang black and yellow two piece bikini, sadyang mapang-akit ang kanyang kariktan at makurbang katawan. Kaya tiyak na maraming kalalakihan na naging laman ng pantasya nila ang taglay na alindog ni Maureen. (Nonie Nicasio)